| | | POGZ & MAGZ, ADD HERE YOUR CONTRIBUTIONS ABOUT THE GOOD OLD DAYZ... | Wed Oct 08, 2008 11:31 am by Admin | Tama ka Leticia, lahat may masasabi sa 2 hot topics ng Crispa-Toyota at Nora-Vilma, kasi walang papantay sa dalawang labanang yan, isa kabakyaan at isa babawi kasi marangal na usapin pero parehong may bakbakan hahaha!!! Kasi noon ang mga teevee shows kakaiba din, Darigold Jamboree sa tanghali at Student Canteen, may Nida-Nestor Show sa sabado, John and Marsha, Tang-Tarangtang na nadon si Pugo ni Bentot, Tita Loves Pancho (Duran and Magalona), Misis Milyonarya ni Chichay, The Three Stoogies, Wild Wild West, Incredible Hulk na pinaka-orig, Gabi ng Lagim, Julie Yap Daza talkshow, Bad Bananas, Joe Quirino, Business Show ni Elvira Manahan [b](naku naalala ko na ako ang toka sa life-size painting niya to be exhibited sa National Museum, noong umagang na-murder siya dapat appointment ko kaya lang nai-rush namin mother ko sa ospital, nagulat ako nong malaman kong na-murder siya htat morning whew!) Puting Tabing na ang featured films ay mga 50s and 60s, Aaawitan Kita, Popeye The Sailor Man ang cartoons, Mighty Mouse, Tom and Jerry, Gamby, The Sensation, Superstar, The Adventures of Sinbad, Ang Makulay na Daigdig ni Nora, An Evening with Pilita, Penthouse, Nothing But the Truth ( na naging See-Thru), Star Trek, The Ugly Ducklings, Flintstone[/b], etc., etcetera! Ang sarap sariwain, ang teevee noon, black and white pa, 24 inches at may pinto pa na nila-lock pati frigidaire de lock hahahaha!!! Ang telepono noon di dial pa at malaki ang handset niya! Walang adjustment ang volume ng ring kaya pag-gabi ang ingay hahahah!!!! Ang radyo JVC ang taa at colored black. May palncha laming de uling na napakabigat at nakakabutas ng damit hahahaha!!! Haaaay, ang sarap sariwain. May mga snacks na Pancho Pantera na may kabayo sa loob, belekoy, tiratira na ilalagay sa gitna ng ngipin tapos papuputukin ng dalawang palad, remember? ChocNut ang laki at may linga pa hehe, malalaking bukayo na may nuts ano, Chippy, Serge, Tootsie Roll, PG chiclet, Bazooka na ma komiks sa loob hahaha, Texas, Chiz Curls at Curly Tops ang mga usong pagkain pati Serg. Of course Cadbury sa may kaya kaya, ang mansanas noon ginto! May kaya lang nakakabili kasimahal pa sa isang sako ng bigas hehe!!! Sige nga duktong pa kayo.... Meron pa, bomba films tinapatan nila Nora in Wonderland, si Merle Fernandez tumakbo sa Escolta ng .... hoooops hahaha, My Pledge of Love nila Bobot at Vi, Munting Anghel, atbp. Sayaw limbo-rock, tango na tinutugtog sa mga naglalakihang baffles! Sa games scrabble, sungka, Games of the General, Probe, salombola na may tatak na Coke at may tali ang bolang, put-jump, sipa, shadow movies, jackstones, jolens, pickup sticks, luksong baka, piko, dama, pardegana, chess, tic-tac-to, etc.! Milo o Ovaltine na nilalagay sa papel na hugis cone at bubutasan itataktak sa bibig hahahaha. Kayo naman please continue the Reminiscing the Past session hehe!!!
DAGDAG NI LETICIA:
Larry -> grabe ka talaga, as in ang dami mong naalalang mga palabas sa tv, di ba nakakapanood na rin tayo ng Voltes V, Hawaii Five-O, Mission Impossible, Student Canteen (nabanggit mo na yata), game shows like "Kwarta o Kahon" ni Pepe Pimentel & the other shows hosted by the late Eddie Mercado (gustung-gusto ko siyang tv host, kahit saang show mo siya ilagay, even sa mga beauty pageant & live tv hostings di ba). Kita mo Larry, ilan na kaming nag-agree sa ating theme na "A New Beginning to A Whole New World", na pinagsamang ideas nila Mareng Prislette & Mareng Ehris.
| | Comments: 10 |
| | Statistics | We have 70 registered users The newest registered user is luluheart
Our users have posted a total of 3211 messages in 30 subjects
| | Who is Online ? | In total there are 3 users online :: 0 Registered, 0 Hidden and 3 Guests None Most users ever online was 35 on Wed Jan 06, 2010 2:38 am |
|